Kailangan Ko Ba Talagang I Post 'Yan;?




Kailangan Ko Ba Talagang I Post 'Yan;?

Tumatak na ang ganyang kasabihan sa ating mga mumunting isipan. Pero aking mga kaibigan, napapAnsin n’yo rin ba na pagkatapos mong ilagay ang email address at password mo sa Facebook sabay pinindot mo ang enter dun mo na makikita ang iba’t ibang klase ng mga post na hindi naman kailangang ilagay.

Mga makamundong status na wala talagang saysay at ang mga letratong hindi naman dapat kasi ipakita. Ang hirap talaga malaman kung ano ba talaga ang gusto nila ipunto sa publiko pero kung iisipin mo ng maigi ay napakababaw naman ng dahilan kung Ito lang ang sasabihin nila, “wala lang share ko lang”. Oo, alam kong meron kang A-Z series na gadget, mga iba’t ibang kuha ng litrato sa Starbucks habang iniinom ang isang tasang kape. Pero ‘wag mo nang ipaglantaran ang bawat detalye ng kinakain, iniinom at kung ano pa man ‘yan dahil marami itong pwedeng maidulot na negatibong epekto, hindi lang sa ‘yo kundi pati sa mga taong kilala ka lalo na kung iba ang pagkakaintindi nila sa pinost mo. Heto at bibigyan kita ng mga samu’t saring halimbawa:

Sisiraan ka ng iba – hindi magtatagal ay merong mga taong maninira sa ‘yo, siguro ,bukas o sa makalawa eh pinag-uusapan ka na ng publiko.

Deadma sa una tapos husga sa pangalawa – self explanation na to. Siyempre deadma muna sa umpisa, pero pag inulit mo yon, husga na ang abot mo.

Tsismis to the max – halos pareho ‘to ng una, kaso ito yung tipong unti-unti kang iniiwasan ng mga kaibigan mo dahil sa mapapride mong pag-iistatus ng mga materyal na bagay na nakukuha mo.
MagpapakaPLASTIC na lang sila – sasakyan na lang nila yang pinost mo pero deep inside, sinasaksak ka na nila nang patalikod.

Magmumukha kang mayabang – jusko naman, ‘di pa ba obvious? Inistatus mo lang naman na kakabili mo lang ng bagong Iphone para saan? Para ihalo sa sinigang ngayong hapunan? Ano gusto mong isipin pa namin diyan?

Nakakalungkot isipin na gumagastos ka ng ilang oras para lang ilagay sa profile mo ang mga gawaing hindi dapat o hindi kailangang ilagay. Marahil ay hindi mo pa iyon napapansin sa ngayon, pero kung alam mo ang pinupunto ko, subukan mong itanong ulit sa sarili mo, “kailangan ko ba talagang ipost yan?”.



Comments