networking ay hindi na lang isang fad. In fact, sa tingin ko, part na ito ng pamumuhay nating lahat sa makabagong panahon. Lahat na yata, may facebook account. I’m not saying na kung wala ka nito, hindi ka “in”. It’s just that communication plays a huge part in our daily lives. At malaki ang naitulong ng ng mga ito para sa komunikasyon ng bawat isa. So, sa parte na paggamit ng fb, naobserbahan ko ang iba’t-ibang klase ng personalidad katulad ni:
1. The ‘Everything I Do, I Do It For Status Update” User. Sila itong mga taong lahat na lang yata ng ginawa sa buhay kada araw ay nakapost via status update. At kung masugid kang tagamasid ng news feed, maririndi ka na sa kakabasa sa kanilang mga posts na kulang na lang eh pagkurap, pag-utot, o pagbuntong hininga nila ay inilalagay sa status.
2. The Sage. Eto. Sa totoo lang, sa lahat ng users, sila ang paborito ko. Lahat ng posts nila ay may sense, may it be their own pure thoughts, a clichè, an old saying or a simple quote. Okay sila kase nakakainspire ang status updates nila. Para silang hallmark cards, they write something that can either lift up your spirit or something you can reflect upon.
3. The Emoticon. Kasama na dito yung mga taong bitter at kala mo’y broken-hearted palagi. Yung tipong naka-move on na lahat, sya na lang yung hindi. Lahat ng posts malulungkot o di kaya’y may kung sino mang pinatatamaan. Sila yung tipong hanggang parinig lang. Tipong may controversial effect dahil indirect ang pinatatamaan nila, at for sure may magcocomment agad na nagtatanong kung about san yung status update nila. Okay naman tong mga taong to. Wag lang susobra.
4. The Holy. I have nothing against them ha. In fact, nakaka-inspire din ang mga taong ito dahil ang bawat status updates nila is about God. Or bible quotes. Ayun. Nice di ba?
5. The Cold Ones. Sila yung mga palaging nagpaparty ng bongga sa mga bars, nag-a-outing sa mga beaches, bora, puerto, or trip out of the country. Mga COOL. Gusto ko rin silang tawaging The Explorer. Or The Traveler. Magpopost palagi yan ng bagong photo albums na parang sobrang sasaya nila palagi sa mga nasabing picture.
6. The Vain. Sila yung mga taong kung makapagpalit ng profile pic ay parang nagpapalit lang ng damit. Ito yung mga tipo ng tao na, palaging may hidden agenda sa tuwing makakahawak ng camera — ang mai-capture ang kanilang perfect angle. “Pang-profile pic din ito” yan ang kadalasan nilang iniisip, aminin man nila o hindi.
7. The Player. Adik. Adik sa online facebook games. Sila ang mga taong ang halos laman ng wall ay puro updates tungkol sa mga ka-ek-ekan na pinagagagawa nila sa mga laro. Hindi na halos sila nakikihalubilo sa mga tao sa fb dahil abalang-abala sila sa paglalaro. Well. Kanya-kanyang trip lang yan.
8. The Superman/Superwoman. “I did it all” ang drama nila. Okay, naiintindihan ko kung isang beses mo lang ginawa, or sabihin na nating maganda talaga yung bawat post at status update mo. Pero yung i-like mo ang each and every posts mo, eh parang medyo may kaweirduhan lang ng konti. Tipong, post ko, ako rin ang nag-like, ako lang rin ang nagcomment. Dude/girlalu, wala ka bang friends? Bigyan mo naman sila ng chance magcomment at maglike bago ikaw. ahaha.
9. The Jejemon. Konti lang naman ang fb friends ko na ganito. Tanggap ko naman kung ganon talaga sila. Friends ko rin naman sila in real life, so be it, di ba? Need I say more? Hindi ko na sila kelangan idescribe. Notorious ang mga ito sa mga katagang EeOow Peoh, KaMusta poh kEoh?
10. The Generous. May makitang magandang vid, ikiclick agad ang share. May makitang magandang pic, click share. May makitang magandang quote, click share o kaya naman eh irerepost. Mapagbigay sila ng sobra. Isheshare ang lahat ng pwedeng ishare. Di ba?
11. The Hang-Over. Nung friendster pa ang uso, tanggap ko pa na ang profile name mo ay ‘Juan Pogi’ o ‘Maria Ganda’. Pero get over it. May hang-over ka pa yata sa trend five years ago. Kung may standard procedure man sa fb ngaun, sa tingin ko eh, yun ay to at least write your real name/nickname on your profile. Ouch :p
12. The Doppelganger. Halos kapareho nila si The hang-over, pero…Sila ang mga taong may pinagtataguan. Ex, stalker, si number 2, whatever. Dalawa ang account nila sa facebook. Ayun eh siguro para hindi mabuking ni number 1, si number 2. Sorry po sa mga tinamaan. Nag-eenumerate lang naman ako dito.
13. The Baby. Hindi mo alam kung pano nagkaron ng fb account ang isang sanggol. Pero ayun at nandun sila, may pending request to add you as their friend. Masisipag lang talaga siguro ang mga magulang nila, na right after silang pagawan ng birth certificate, ay ginawan din agad sila ng fb account. Kabilang na rin dito ang mga batang nauna ng magkaroon ng facebook account bago pa natutong magsulat at magbasa.
14. The Spokening Dollar. Ayun naman. Hindi naman sa nagpapaka-perfectionist ako. Kaya lang, may mga tao talagang trying hard kung maka-ingles. Buti sana kung si Melanie Marquez ka at mejo nakakatuwa pa, pero, ampanget talaga basahin ang isang post na puro wrong grammar. Dalawang klase ng tao yan — yung mga trying hard, at yung mga unaware na mali ang kanilang grammar. Ipost mo na lang kase sa tagalog, mas mamahalin ka pa namin.
15. The Public Figure. There’s a thin line between public and private life. Ayun. Sila ang mga taong hindi kayang iseperate ang dalawa. Lahat na ng nangyari ay nabulgar na sa fb. Payo ko lang sa mga taong ito, think before you post. Some things are better kept between the people involved, hindi mo na yun kelangan ipangalandakan sa fb para makakuha ng simpatya at kontrobersiya dahil hindi ka naman artista.
16. The Superagreeable Person. Lahat na lang ng post ni-like, di ba teh?
17. The Uber Friendly. Sila ang mga taong kulang na lang eh gawing fansite ang kanilang account sa sobrang dami ng friends nila sa fb. Ask kita, kilala mo ba talaga lahat ng friends mo sa fb?
18. The Preoccupied. Sila yung mga tao na pag chineck mo ang wall ay last month pa ang huling activity. Ni Ha, ni Ho, wala. Hindi mo alam kung saang bundok na walang internet sila napunta at bakit hindi man lang magawang magparamdam. Masyado daw silang busy to even open the computer and browse the internet.
19. The Terminator. Mag-unfriend or mag-block ang hobby nila…
20. The Pop. Sila ang mainstream users. Tamang post, tamang status updates, tamang share, tamang like, comment etc. Kumabaga sa gamot, right dose lang. Kumbaga sa kape, tama ang timpla. Hindi nakakasuka, hindi nakakairita.
Complex ang bawat isa sa atin, so, anong mix ng personalidad meron ka jan?
Hi how are you?
ReplyDeleteI was looking through your blog, and I found it interesting, and inspiring to me, so I thought why not post a comment.
I have blogs also obviously, and would like to invite you to become my blog friend.
I mostly post about the California experience through the perspective of personal writings, and my art.
Maybe you can become my friend, and follow, and I can also follow you, if that is okay.
Well I hope to hear from you soon… :)
Jesse Noe Mendez
Hello to you jesse, thanks for the compliments.
Deletebut hey!i'm not a good blogger, but i love to write and read..
yah we can be friends and share what we can share to each other as a blogger or artist ..
wink ;)
naku, alin kaya ako d2. =)
ReplyDeletehahaha.. ate jo ako nga diko din alam ano ako jan. heheh..:)
ReplyDelete